Bader the Best !
Thursday, January 25th, 2007Haayy…ano kaya mangyayari sa next school year ng bader. Ako di masyadong sigurado kung dun pa ako pero ayokong lumipat gusto ko pa rin dun. Sana marami pang estudyante na lumipat dun kasama na yung mga Baderianz dati. Di nga namin alam kung may 1st year pa next year sa Bader.
Maganda naman Bader eh! Yung iba naman dyan purket maliit lang at di sikat ang Bader ayaw nyo na doon.
Dati yung nasa dating school ako sa IPSJ. Lagi akong bokya pang 12th honor kasi laging absent teacher at di ko maintindihan. Sinasabi ko lang ha..Di ko sinisiraan IPSJ maganda pa rin yun kasi lugar malaki eh!
Pero nung lumipat ako sa Bader nung Gr.5 na ako! Mamaya ko nalang sabihin sa huli.Hiyang - hiya ako pumasok sa school kasi di ko kilala yung school na yon. Si Tita Libay pa nga nag-hatid sa akin..Basta nanay yun nga kaklase ko ngayon.
Pagpasok ko may 3 akong kilala na nakita ko.. Tapos may 2 akong una naging kaibigan si Jed at si Jenny. Kung di nyo kilala yaan nyo na.. Unang araw palang pagalitan na ako..Kilala nyo kung sino..sa mga Baderianz nalang..Si Ms. Adil.!! Hahahahahaha…
Di ko sya nakitang pumasok sa classroom. Tapos biglang nag- good morning na sila di ako nakatayo kasi nahulog yung gamit ko..Tapos tanong nya " Why you didn’t stand up? " Tapos pahiya na agad ako. Sya nga nag- good morning sa amin naka-upo na. Tapos sabi ni Jed strikto daw yun.
Hanggang sa nakilala ko na yung tatlo kong bestfriends na sina Lite, Mae at Nisreen..Miss ko na yung isa.. Lagi kami dati nag-aaway..na-office pa nga kami dati nung patapos na school year eh! Pero hindi naman kami nasulat yung pangalan namin sa logbook ng office.
Yung pag-pasok ko dun sa classroom nung gr.5 una kong nakita si Ms. Magalong..Science time non. Dami kong dalang books kasi small bag lang ako dala-dala ko books ko sa kamay lang halos bumagsak na kamay ko sa bigat…
Dami ko nang pinagdaan sa school na yon kahit 2 years lang ako nag-aral don parang napamahal na sa akin yung school na yon. Mamimiss ko ang Bader sana hindi mag-close. Kasi friendly mga tao don eh! At tutok ang mga teachers sayo. Nung 1st qtr. nang gr.5 top 3 ang layo nun kumpara sa top 12 ko dati sa IP. Tapos 2nd hanggang 3rd, top 2 na ako.
Kahit ngayong gr.6 na ako top 2 pa rin. Kaya ayoko nang umalis ng Bader. Kasi marami ako naging kaibigan. Maganda yung field-trip. Mabait ang principal. Close na kaming lahat na magkakaklase at yung ang pinakamagandang school na napasukan ko..
BADER TALAGA THE BEST!!!!!!!