_(Tunay na kaibigan)_

Tunay na Kaibigan

Tunay na kaibigan

hindi nagiiwanan

sa hirap at ginhawa

laging magkasama

mas matagal nagsasama

kaysa sa magsyota

napagkakatiwalaan ang isa’t isa

hindi nasisira

Tunay na kaibigan

laging nandiyan

Nakikiramay sa oras ng kalungkutan

nakikisaya sa oras ng kaligayahan

Tunay na kaibigan

hindi naglolokohan

hindi nagsisinungaling sa isa’t isa

hindi ibinubunyag ang lihim sa iba

Tunay na kaibigan

nagsasabihan ng sikreto

walang itinatago

sa kaibigang totoo

Tunay na kaibigan

mapagkakatiwalaan

nagmamahalan

                            hindi nagiiwanan

Leave a Reply